Jimmy P. Reyes*
Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang Kasarinlan!
Mabuhay nga ba ang … ano ba ang dapat nating ipagdiwang?
Kalayaan ba? O kasarinlan, o ano ba ang kaibahan?
Kung kalayaan, saan o kanino ba tayo lumaya?
Kung kasarinlan, nagsasarili na nga ba tayo o umaasa pa?
Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang Kasarinlan!
Mabuhay nga ba ang … kailan na nga pala dapat magdiwang?
Kalayaan man O Kasarinlan, kailan ba nangyari ang kaganapan?
Mayroon po kasi akong tatlong petsang nakita, alin po kaya sa kanila?
Yun po bang June 12, 1898 na ideneklara ng Diktadurang Pamahalaan ni Aguinaldo?
O yun po kayang July 4, 1946 na ibinigay nang Amerika kapalit ng Bell Trade Act?
O yun pung January 17, 1973 nang pagtibayin daw ang Saligang Batas ng Pilipinas
Sa Ilalim nang Batas Militar ng Diktadurang Pamahalaan ni Marcos?
Alin nga po kaya dito ang totoo, kung totoo mang tayo ay may Kalayaan o Kasarinlan?
Pasensiya na po kayo, ako lang po ay litong-lito, lalo at higit ng saliksikin ko kung alin ang totoo.
Lalo po yatang dumarami ang katanungan ko habang hinahanap ang kasagutan sa tanong ko.
Ano nga kaya ang dahilan kung bakit tila tayo ay nagkukulang sa kaalaman sa kasaysayan?
Ah basta, Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang Kasarinlan!
Wala akong pakialam kung ano man ang nangyayari sa aking kapaligiran.
Matagal na pala akong niloloko, hindi ko pa alam.
Mabuhay ang Kalayaan kong magpaloko, Kasarinlan ko ang lahat ng ito.
*Si Jimmy P. Reyes ay isang lolo, ama, asawa, tito,kapatid, kasama, artista, pintor, makata, at Tagasubaybay nang MAKABANSANG ADHIKAANG NAGKAKAISA.
Leave a Reply